masakit ang braso ko, parang may naiipit na ugat hindi ko masyado mataas. huhu
sa buhay natin, may kanya-kanya tayong papel na ginagampanan, hini lang bilang anak o magulang, asawa o kaibigan. Bukod sa mga ito ay meron pa, yong tipong maging taga-pakinig o taga-bigay opinyon at iba pa.
Sa akin naman ay okay lang ang papel na iyan, naisip ko nga baka iyan ang purpose ko in life, taga-comfort, isip ko nga bata pa ako, buhay pa tatay ko, ako yong tinutulak nila para mag-ceasefire ang mga magulang namin, tuwing mag-aaway ang nanay at tatay namin, syempre ako naman kelangan gawin, kasi bilang bata (4 years old ako nun) takot ako sa dilim, eh ikaw ba naman iiwan sa labas na pagkadilim-dilim kasama ang mga manok iiyak ka talaga, so pag-iyak ko, papasok na kami sa loob ng bahay, at kapag nakita na ng nanay ko na umiiyak ako, titigil na iyan sa kakatalak, o see effective di ba?
Ngayon, napansin ko na, nasanay na ako sa ganitong buhay, yong tipong may icocomfort o bibigay ng opinyon, thou minsan walang katuturan mga pinagsasabi ko, but still some are listening.
Sometimes, kapag nagbabasa ako sa mg forums, lalo na sa mga love and rel threads, there times na nararamdaman ko yong pain nila, kasi alam ko marami posters na peke na kesyo nangyari sa kanila o what, minsan nga, gusto ko deretsuhin ang isang forumer na may problema daw sila sa bf niya, i want to tell her na siya ang may problema kasi may iba siyang lalaki na nagugustuhan, i don;t know but I just know na ganun, but then I might be wrong.
When I tell people that I read their minds without seeing them they answered ows? hehehe actually i dont read their minds, i just sense their behavior, tried and tested na iyan, hehe
No comments:
Post a Comment