Wednesday, March 30, 2005

i love you


Mga ilang taon na rin ang nakalipas mula ng isulat ko ang tula ng pag-ibig, kung bakit ang hirap hanapin ang tunay na pag-ibig na iyon, minsan naisip ko tuloy, hindi kaya tinago ni dugong o ni Victoria? Meron ba talagang dugong at Victoria sa bawat buhay ng tao? Wag niyo akong tanungin dahil hindi ko rin alam ang sagot. Ilang beses na rin akong umiyak dahil sa pag-ibig na iyan, pero ni minsan ay hindi ko isinumpa ang pag-ibig na iyan pero sa mga lalaking nanakit sa akin, oo naman, pero hindi naman ako ganun kasama, mga tipong sana mabiyak ang lupa ang kinatatayuan at tuluyan na siyang lamunin nito, para hindi na siya maka-sakit ng ibang babae, mga ganun lang, hindi ko naman hiningi yong kamatayan nila…

Pero narealize ko, mga lalaki pala ay tao rin, karapatan nilang lumigaya at hanapin kung saan sila maligay, malas nga lang natin kung minsan dahil hindi sa piling natin sila maligaya, bakit nga ba kelangan maging maligaya sa pag-ibig, e sabi nila Love is a sacrifice, at usapang sakripisyo, masakit yon, eh bakit hinahanap natin yong kaligayan sa pag-ibig kung ang pag-ibig pala ay sakripisyo?

Sabi nila ang pag-ibig ay parang salamin na nagkabasag-basag, kaya marami itong mukha, at sa bawat mukhang iyan ay hindi ko maarok ipaliwanag ngunit ito’y nararamdaman lamang. Dami na ngang sumubok na bigyan ng magandang kahulugan niyan pero lahat ay sawi, minsan nga may mga taong nahuhumaling sa kahulugan kesa sa totoong diwa ng pag-ibig.

Pero ang hanap ng tao ay hindi basta pag-ibig lang, kundi yong pag-ibig na walang dahilan at kondisyon, whew mahirap siyang hanapin, parang paru-paru na mahirap huliin, pero sabi nila mahuhuli mo ang paru-paru kung hindi mo siya hahabulin, dahil matatakot daw ito, kundi umupo ka sa isang tabi at antayin ang paru-parung dadapo sa iyo. Ngunit pano kaya kung sa pagkaka-upo mo ay may mga langgam, tiniis mo mga kagat nila dahil parating na ang paru-paru, maluha-luha ka na sa sakit, anjan na ang paru-paru pero hindi ka nakatiis, ikaw ay tumayo at biglang nabulabog ang paru-paru at tuluyan ka ng nilisan ang paru-paru…Ironic di ba?

Buti na lang at hindi naging paru-paru ang pag-ibig, sinasabi lang nila iyon para bigyan ng dahilan ang mga nangyari sa kanila, at sa ganun paraan, maamo na nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ginawa nilang dahilan.

Balik tayo sa tunay na pag-ibig, bawat nilalang ay pangarap iyon, pano ito malalaman? Ewan ko, alam ng puso pero sinasalungat ng utak, kung minsan alam ng utak pero ayaw ng puso, wwwaaa magulo, ayoko na, pero gusto ko yong pagmamahal ng aso sa tao, maski anong gawin mo sa kanya, igapos sa labas ng bahay, wag pakainin, paluin at iba pa, pero pagdating mula sa trabaho, siya pa rin yong aso mong tatayo, gagalaw ang buntot at didilaan ka pa rin niya…

Sana ganun, pero hindi yong maltratuhin yong partner mo ha, kumpara ko lang, dahil sa loyalty nila, tao kasi, sinaktan mo, tendency, gaganti iyon.

Hay diko alam pano tapusin ito, gutom na ako, pero isa lang masasabi ko, kaya ko rin maging pet niyahaha, basta painumin mo lang ako ng tubig, ayos na sa akin iyon, wag lang siyang mawala sa akin, at kung gusto mo rin dilaan kita tuwing uuwi ka galing sa trabaho ay ayos din sa akin yon.



No comments: