Thursday, March 31, 2005

Meron ako kuwento


Nagkilala sila sa nun mga estydyante palang sila sa kolehiyo, nagkaibigan, nagsumpaan, ngunit tila may knotrabida, tulad ng Marina kay Victoria, tulad ni Snow White may wicked witch at marami pang ibang lumalason sa pagmamahalan ng isang tao, ngunit sa dalawang mag-iibigan na ito ay meron silang tinatawag na matalik na kaibigan na siyang nagsilbing anay sumisira sa kanilang magandang pagtitinginan. Bagamat matatag ang pag-ibig nila, at nanatili sa puso ng bawat isa ang pagmamahalang iyon, sumama ang lalaki sa anay at sila ay nagsama.

Naiwang luhaan ang babae, pilit pinasaya ang sarili sa mga taong mahal niya, at hanggang sa nakatagpo rin siya ng magmamahal sa kanya at nagbigay sa kanya ng isang maganda at malusog na sanggol. Naging masaya siya sa bawa’t oras na kapiling niya ang lalaking yon, pero tila isang hiram lang ang mga sandaling iyon, binawi din sa kanya, nalungkot at nagluksa kapiling ng mahal na anak, tumayo muli sa kalungkutan.

Mula non ay wala ng ibang lalaking naugnay sa kanya, natuon ang oras, buhay at pagmamahal niya sa kanyang anak, at sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ang dating pusong nagmamahalan, walang salitang namagitan sa kanila, at muling pinakawalan ang dating damdamin.

Impiyerno ang natamo ng lalaki sa piling ng anay, dahil ito ay nagdahilan lang na siya’y mamatay na, at ninais na makapiling sa huling sandali ng kanyang buhay, ngunit isa itong panlilinlang, nagdusa ang lalaki at ang tanging buhay niya ay ang pag-ibig sa kanyang nawalang kasintahan…Bagamat nagging impiyerno sa piling ng iba, impiyerno man ay naging langit na rin sa pamamagitang ng isang supling na lalaki.

Muli nilang ipinadama ang kanilang pagmamahalan, abot hanggang langit ang kanilang kaligayahan, pero sinong mag-aakalang maglalakbay na rin sila sa langit. Naiwang luhaan ang anak na babae, at poot sa anak na lalaki. Sinisisi ang anak na babae sa naging kapalaran ng Ama, na hindi naman alam kung ano ang mga pangyayari.

At sa bawa’t patak ng luha ng anak na babae ay parang talang naguunahan marating ang kanyang, pino at mapang-akit na labi, at sa lagay na iyan, poot man ang narararamdaman ang anak na lalaki, ay natunaw sa mga luhang iyon, at inibig niya ang tinuring na kalaban.

Hindi man niya aminin pero iyan ang katotohanan na pilit na sinisikil ng kanyang galit sa ina nito, at sa tingin niya ay anay sa relasyon ng kanyang mga magulang.

Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng dalawang pusong ito? Hahayaan bang masira dahil sa galit o lulusungin nila ang alok ng pag-ibig, paano kong may kumuntra?


.

No comments: