Thursday, August 30, 2007

naku naman

ano kaya ang magandang gawin sa isang makulit na ex? kung bakit ba naman sa tinagal-tagal na panahon na hindi siya nagparamdam eh ngayon pa ulit siya nagparamdam.

lasy sunday may tumawag sa akin, no number so ibig sabihin international, akala ko ate ko, pero txt ko siya hindi daw siya tumawag, then the next morning, may tumawag ulit no number ulit, so answer ko phone, dyaran!!!! siya nga, kainis...so kumustahan blues, tapos sabi niya umuwi pala siya dito last month then kababalik lang daw niya sa honolulu. so sabi ko, "bat di ka nagpakita, I see baka naman magalit wife mo." cos i thought that he get married already kasi may nabuntis siya, pero sabi niya, wala pa daw siyang asawa, then I ask about the girl the he allegedly impregnated, so sabi niya hindi daw siya tatay. aha??? to millionth power, so he continued na may ibang BF yong girl at kaya niya pina-pa ako sa kanya kasi gusto niya makapunta sa kanya, (uyy matalino the girl, ayon sa kanya)

ang yoko lang is mga hirit niya na, "pwede ba kitang mahalin ulit?" iikksss to max talaga, nakakaloka!!! but i told him a year ago na may BF na ako ( sis dred, wag ingay tungkol don ha, usap ko siya kagabi, while talking to him tumawag mokong) pero hindi pa rin siya tumitigil, then he wants me to think it over in just 24 hours....duh??? hindi ako ganun kabillis mag-isip, pero ang bagay na iyan hindi na pinag-iisipan, the answer is NO, but i must admit, noon una, i thought there's still hope pero mga hirit niyang kabulastugan, hindi na, hindi na talaga.

akala ko nagbago na siya pero hindi pa rin, he called 3 am yesterday, and he's insisting na bumalik, i told him na patulugin niya ako at hindi ako makapag-isip, sabi ba naman niya, kung mahal mo isang tao, lahat gagawin mo, sabay kanta sa theme song ng PANDAY, susme anak ng bakunawa naman, 3 am gigising na ako mga 4 am para prepare ng food sa mga pamangking ko tas gaganunin niya ako... halos magiba pader sa room ko sa kakasipa ko sa inis ko sa kanya.

at work tumawag ulit, susme, ganun na naman ang drama, at ang tanong kung pwede ko ba siyang paligayahin, anak ng bakunawa talaga, i shouted at him na with that...talaga, na kaibahan niya sa bf ko ay, siya walang respeto, pero bf ko meron alam niya akong igalang kung tulog ako o nagtratrabaho, o di ba?

he called again this day at 12 midnight, as usual sinipa ko na naman pader, para maramdaman niya na galit ako, hhaayy sana this time, tumigil na siya. kainis talaga, okis saba na.

Wednesday, August 15, 2007

..........

walang magawa, gusto ko magsulat ng magsulat pero wala naman akong maisip...problemang malaki ata kapag ganito...cyber relationship kaya itopic ko, siguro marami-rami din makaka-relate sa akin...what about karma? wweeee natawa tuloy ako dito....yong mac arthur kaya ni bob ong, o di kaya yong da vinci code, oist may nakapagsabi sa akin na si leonardo da vinci bading daw wahehehehe....kaya yong monalisa, yon ang pangarap niyang mukha kung magiging babae siya whattaa sinabi ng history teacher ko nun first year high school ako, di na namin tinanong kung saan galing yon, basta ang mahalaga ay hindi kasali sa quiz namin iyon.

next time na lamng siguro ako magsulat dito..mahirap pilitan ang utak...

Thursday, August 09, 2007

.................

meron nga ba sobra at kulang sa pagmamahal? kelan mo malalaman na ang pagmamahal ay sobra o kulang na ito?

kapag nasa isang relasyon ka naman, may mga bagay kang hindi mo namamalayan na kaya mo palang gawin ang isang bagay sa taong mahal mo, at kaya mong ibigay ang lahat para sa kanya, maski ang buhay mo, na kahit naka-tattoo na sa utak mo na kelangan magtira ka para sa sarili mo, at kelanagn mahalin mo rin sarili mo.

pero may mga pagkakataon na "sana ibinigay ko na lang lahat" factor tayo, para sana maisalba ang naghihingalong relasyon, ano nga kaya ang naging resulta nito?

paano naman kaya kung ibinigay mo ang lahat pero wala pa rin nangyari?

minsan, sa pagmamahal, malalaman mo na lang ang sobra at kulang kapag wala na ito. malalaman mo na sobra kang nagmahal kung sobra rin ang sakit, at wala kang makitang dahilan para kalimutan siya, at alam mo ang kulang kung may "sana" ka o panghihinayang.

pero bawat pagsubok ay hindi pinagluluksahan, oo kelangan lumuha pero tulad sa patay kelangan mo rin magbabang luksa. Isipin mo na bawat pagsubok ay pinag-papasalamat dahil ito ay nagiging sandata para sa kinabukasan, kelangan mo lang matutunan ang leksiyon na dulot nito.

mahalin mo sarili sa paraan na gustong mong mahalin ka ng kapwa mo dahil doon mo lang maipapakita na marunong kang magmahal. At don mo, malalaman kung ano ang sobra at kulang sa pagmamahal.

Tuesday, August 07, 2007

kilig dream

haayyyy those were the nights that I enjoyed dreaming the most, kasi napanaginipan ko si rey haha..wala naman, kasi last time na nagkita kami, galit siya ata siya kasi hinagis niya papel sa akin tama ba naman yon??? yoko na magkuwento about him, basta alam ng closest friends ko about him

sa dream na iyon, bati na kami wahehehe at kita ko mata niya may spark at pumuti siya wahahahah, lagot ako kapag may nakabasa nito hehehe...tas ask him if he's married tas sabi niya naghahanap pa raw ng babaing pakakasalan niya sabay yuko....wwaaaa sabay entra ang bronsky nakakaloka talaga....tas kinain ni rey food ni bronsky wahahaha, lalo mangangayayat bronsky nito hehehe, tas umalis siya, frustrated kasi indi niya kinuha number ko, haha, kaso i know that we will see each other again...he goes somewhere else, kasi sa nbi siya work, sad nga lang kasi nagkarron ng delubyo, andami namatay. He went there to help kaya umalis siya bigla.

Hay sana hindi mangyari yong delubyo na iyon, kasi nakakatakot, it's flood, dami natabunan na tao, andami bata...kakatakot kasi ibang klase ako managinip...May awa ang Diyos sa ating lahat.

Monday, August 06, 2007

ewan ko sa 'yo

napapansin ko, paminsan-minsan na lang ako nakaka-visit ng blog na ito, pinagawa ko pa nga sa kaibigan ko tio eh, hehe.kakapagod na rin magsulat sa notebook, parang diary na pero hindi naman. Minsan kapag nagsusulat ako sa notebook tapos transfer ko dito, naiiba syempre may MAY I EDIT na hehehe, biglang nag-isip eh.

hindi naman lahat ng kaibigan natin ay may friendster di ba? baka meron hidden lang no idea ako diyan, pero paano kung sinabi niya na meron tapos ayaw ka niya i-add? Aray ko, huhu.

Sa akin lang kasi, okay lang naman, kasi I know that meron siyang set of friends, sana lang hindi na niya sinabi iyon na gawa ka ng ganito blah blah blah, eh alam naman niyang uto-uto ako. Isang buwan ko rin inantay yong confirmation ah pero wala, eh kita ko naman na nagla-log siya, inisip ko pa nga nga sobrang busy siya, pero anyways tapos na iyon. Iniisip ko na lang na, ganun talaga at wala na akong magagawa.

Friends come and goes. Gusto ko nga sabihin ang isang quote mula sa napanood kung movie, maganda naman medyo may pagka-magical diko nga lang alam ang title, gitna na kasi naabutan ko. Here goes: IF YOU NEED ME AND YOU DON'T WANT ME THEN I STAY, BUT IF YOU WANT ME BUT YOU DON'T NEED ME THEN I GO.

I can say that friends comes in our way to inspire us, but sad instances is we also leave friends, not because it's a must but it;s destiny that dictates, it's not because we don't love them but because we have to leave to inspire other people, kumbaga spreading the gift of love, tas yong nainspire mo, mag-iinspire din ng iba.

Kaya sabi ko sa sarili ko, is the friendship over? Kasi hindi na kami usap eh, maybe, maybe not.

haayyy minsan nakakatulong ang window shopping kapag mejo may down syndrome ka, hehehe yup medyo narelease ko nga dahil magagagnda mga damit don at mura, hindi wag-wag yon, I'm sure, diyan lang oh, sa may beso-beso. Kasama ko hipag ko na first time lang pumasok don.

After window shopping, pagkain naman, haayyy you are what you eat daw, ows? hindi ko alam kung nasan ko nabasa pero what you eat tells what your mood is, tanda ko lang kapag sweets like ice cream, sad ka daw..ma research nga ulit iyan. Sa chowking may fortune cookie doon, nag-try ako ng isa, tas kumuha din hipag ko ng isa, tapos sabi niya, baka daw may give away, kasi minsan nakakakuha sila, sa sana large coke yon, (wink wink) eh kaso ito nakasulat:
JUST BECAUSE SOMEONE DOESN'T LOVE YOU THE WAY YOU WANT THEM TO. DOESN'T MEAN THEY DON'T LOVE YOU WITH ALL THEY HAVE. ang saya-saya(kainis)
Sa fortune cookie, aside sa quote na linte, may number 6 sets of numbers, abah, taya ako sa lotto, baka swertehin ako ng mawala pagka-down syndrome ko, kaso tinamaan ng lintek, hehehe, mas masarap pa taho.

nakakalungkot

Ang kalungkutan ng kaibigan ay kalungkutan ko rin.Yan ang nadama ko ngayon, kahit ilang araw ko na rin natanggap mula sa kanya ang balitang iyon.Medyo delayed pa nga ang dating, at binalita pa sa akin ng isang kapwa kaibigan.
Kung tutuusin, just a few weeks back, she's so happy telling me the good news about her second pregnancy, and it's a girl, okay na okay na kasi may boy and girl na siya, and I'm so happy for her.
kaya lang, minsan ganito na talaga ang buhay, may lumbay at kaligayahan, maaring malungkot ngayon, bukas ay masaya naman...Sabi nga eh, kung puro ligaya ang bibigay, baka lalo natin Siyang makalimutan.
The baby was born with trisomy 13, medyo malalim, mahirap intindihin, sabi nga ng google ay rare disease at 1 out 10,000 babies ay posibleng maipanganak ng ganito. Abah naman, sa sampung libo ba naman siya pa di ba? pero no one is to blame...Balil tayo sa trisomy 13, ito ay nagduduplicate ng chromosome, kaya nagkakaroon ng extra chromosome which resulted to multiple abnormalities, congenital heart disease, cleft pallate etc. It happens during conception, kaya minsan pala dapat ipacheck din natin kung may chromosomal imbalance ang baby. Risky ito sa mga babaeng nagkakaedad na nabubuntis.
Bakit siya pa, bakit yong friend ko pa? I want to ask that, but I don't have to question Him, kaya sabi ko na lang sa friend ko, God knows that you've been an obedient child that's why you're the apple of God's eye now, He's asking your baby as an offering, you see, tiny and fragile she is, but she's giving you lot of happiness. I told her. The baby was born with a congenital heart disease due to her trisomy 13.
If God closes the door He opens a window. One thing to be thankful is that, hindi cleft pallate ang bata, kahit paano ay nagpapakita ng lakas to survive, and even if as a mother, it gave hope. And I know that my friend will surpass this one, as she surpasses dificulties before. Who know's miracle do come when we least espect it.