Thursday, August 09, 2007

.................

meron nga ba sobra at kulang sa pagmamahal? kelan mo malalaman na ang pagmamahal ay sobra o kulang na ito?

kapag nasa isang relasyon ka naman, may mga bagay kang hindi mo namamalayan na kaya mo palang gawin ang isang bagay sa taong mahal mo, at kaya mong ibigay ang lahat para sa kanya, maski ang buhay mo, na kahit naka-tattoo na sa utak mo na kelangan magtira ka para sa sarili mo, at kelanagn mahalin mo rin sarili mo.

pero may mga pagkakataon na "sana ibinigay ko na lang lahat" factor tayo, para sana maisalba ang naghihingalong relasyon, ano nga kaya ang naging resulta nito?

paano naman kaya kung ibinigay mo ang lahat pero wala pa rin nangyari?

minsan, sa pagmamahal, malalaman mo na lang ang sobra at kulang kapag wala na ito. malalaman mo na sobra kang nagmahal kung sobra rin ang sakit, at wala kang makitang dahilan para kalimutan siya, at alam mo ang kulang kung may "sana" ka o panghihinayang.

pero bawat pagsubok ay hindi pinagluluksahan, oo kelangan lumuha pero tulad sa patay kelangan mo rin magbabang luksa. Isipin mo na bawat pagsubok ay pinag-papasalamat dahil ito ay nagiging sandata para sa kinabukasan, kelangan mo lang matutunan ang leksiyon na dulot nito.

mahalin mo sarili sa paraan na gustong mong mahalin ka ng kapwa mo dahil doon mo lang maipapakita na marunong kang magmahal. At don mo, malalaman kung ano ang sobra at kulang sa pagmamahal.

No comments: