Monday, August 06, 2007

ewan ko sa 'yo

napapansin ko, paminsan-minsan na lang ako nakaka-visit ng blog na ito, pinagawa ko pa nga sa kaibigan ko tio eh, hehe.kakapagod na rin magsulat sa notebook, parang diary na pero hindi naman. Minsan kapag nagsusulat ako sa notebook tapos transfer ko dito, naiiba syempre may MAY I EDIT na hehehe, biglang nag-isip eh.

hindi naman lahat ng kaibigan natin ay may friendster di ba? baka meron hidden lang no idea ako diyan, pero paano kung sinabi niya na meron tapos ayaw ka niya i-add? Aray ko, huhu.

Sa akin lang kasi, okay lang naman, kasi I know that meron siyang set of friends, sana lang hindi na niya sinabi iyon na gawa ka ng ganito blah blah blah, eh alam naman niyang uto-uto ako. Isang buwan ko rin inantay yong confirmation ah pero wala, eh kita ko naman na nagla-log siya, inisip ko pa nga nga sobrang busy siya, pero anyways tapos na iyon. Iniisip ko na lang na, ganun talaga at wala na akong magagawa.

Friends come and goes. Gusto ko nga sabihin ang isang quote mula sa napanood kung movie, maganda naman medyo may pagka-magical diko nga lang alam ang title, gitna na kasi naabutan ko. Here goes: IF YOU NEED ME AND YOU DON'T WANT ME THEN I STAY, BUT IF YOU WANT ME BUT YOU DON'T NEED ME THEN I GO.

I can say that friends comes in our way to inspire us, but sad instances is we also leave friends, not because it's a must but it;s destiny that dictates, it's not because we don't love them but because we have to leave to inspire other people, kumbaga spreading the gift of love, tas yong nainspire mo, mag-iinspire din ng iba.

Kaya sabi ko sa sarili ko, is the friendship over? Kasi hindi na kami usap eh, maybe, maybe not.

haayyy minsan nakakatulong ang window shopping kapag mejo may down syndrome ka, hehehe yup medyo narelease ko nga dahil magagagnda mga damit don at mura, hindi wag-wag yon, I'm sure, diyan lang oh, sa may beso-beso. Kasama ko hipag ko na first time lang pumasok don.

After window shopping, pagkain naman, haayyy you are what you eat daw, ows? hindi ko alam kung nasan ko nabasa pero what you eat tells what your mood is, tanda ko lang kapag sweets like ice cream, sad ka daw..ma research nga ulit iyan. Sa chowking may fortune cookie doon, nag-try ako ng isa, tas kumuha din hipag ko ng isa, tapos sabi niya, baka daw may give away, kasi minsan nakakakuha sila, sa sana large coke yon, (wink wink) eh kaso ito nakasulat:
JUST BECAUSE SOMEONE DOESN'T LOVE YOU THE WAY YOU WANT THEM TO. DOESN'T MEAN THEY DON'T LOVE YOU WITH ALL THEY HAVE. ang saya-saya(kainis)
Sa fortune cookie, aside sa quote na linte, may number 6 sets of numbers, abah, taya ako sa lotto, baka swertehin ako ng mawala pagka-down syndrome ko, kaso tinamaan ng lintek, hehehe, mas masarap pa taho.

No comments: