Thursday, March 31, 2005

Meron ako kuwento


Nagkilala sila sa nun mga estydyante palang sila sa kolehiyo, nagkaibigan, nagsumpaan, ngunit tila may knotrabida, tulad ng Marina kay Victoria, tulad ni Snow White may wicked witch at marami pang ibang lumalason sa pagmamahalan ng isang tao, ngunit sa dalawang mag-iibigan na ito ay meron silang tinatawag na matalik na kaibigan na siyang nagsilbing anay sumisira sa kanilang magandang pagtitinginan. Bagamat matatag ang pag-ibig nila, at nanatili sa puso ng bawat isa ang pagmamahalang iyon, sumama ang lalaki sa anay at sila ay nagsama.

Naiwang luhaan ang babae, pilit pinasaya ang sarili sa mga taong mahal niya, at hanggang sa nakatagpo rin siya ng magmamahal sa kanya at nagbigay sa kanya ng isang maganda at malusog na sanggol. Naging masaya siya sa bawa’t oras na kapiling niya ang lalaking yon, pero tila isang hiram lang ang mga sandaling iyon, binawi din sa kanya, nalungkot at nagluksa kapiling ng mahal na anak, tumayo muli sa kalungkutan.

Mula non ay wala ng ibang lalaking naugnay sa kanya, natuon ang oras, buhay at pagmamahal niya sa kanyang anak, at sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ang dating pusong nagmamahalan, walang salitang namagitan sa kanila, at muling pinakawalan ang dating damdamin.

Impiyerno ang natamo ng lalaki sa piling ng anay, dahil ito ay nagdahilan lang na siya’y mamatay na, at ninais na makapiling sa huling sandali ng kanyang buhay, ngunit isa itong panlilinlang, nagdusa ang lalaki at ang tanging buhay niya ay ang pag-ibig sa kanyang nawalang kasintahan…Bagamat nagging impiyerno sa piling ng iba, impiyerno man ay naging langit na rin sa pamamagitang ng isang supling na lalaki.

Muli nilang ipinadama ang kanilang pagmamahalan, abot hanggang langit ang kanilang kaligayahan, pero sinong mag-aakalang maglalakbay na rin sila sa langit. Naiwang luhaan ang anak na babae, at poot sa anak na lalaki. Sinisisi ang anak na babae sa naging kapalaran ng Ama, na hindi naman alam kung ano ang mga pangyayari.

At sa bawa’t patak ng luha ng anak na babae ay parang talang naguunahan marating ang kanyang, pino at mapang-akit na labi, at sa lagay na iyan, poot man ang narararamdaman ang anak na lalaki, ay natunaw sa mga luhang iyon, at inibig niya ang tinuring na kalaban.

Hindi man niya aminin pero iyan ang katotohanan na pilit na sinisikil ng kanyang galit sa ina nito, at sa tingin niya ay anay sa relasyon ng kanyang mga magulang.

Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng dalawang pusong ito? Hahayaan bang masira dahil sa galit o lulusungin nila ang alok ng pag-ibig, paano kong may kumuntra?


.

Wednesday, March 30, 2005

i love you


Mga ilang taon na rin ang nakalipas mula ng isulat ko ang tula ng pag-ibig, kung bakit ang hirap hanapin ang tunay na pag-ibig na iyon, minsan naisip ko tuloy, hindi kaya tinago ni dugong o ni Victoria? Meron ba talagang dugong at Victoria sa bawat buhay ng tao? Wag niyo akong tanungin dahil hindi ko rin alam ang sagot. Ilang beses na rin akong umiyak dahil sa pag-ibig na iyan, pero ni minsan ay hindi ko isinumpa ang pag-ibig na iyan pero sa mga lalaking nanakit sa akin, oo naman, pero hindi naman ako ganun kasama, mga tipong sana mabiyak ang lupa ang kinatatayuan at tuluyan na siyang lamunin nito, para hindi na siya maka-sakit ng ibang babae, mga ganun lang, hindi ko naman hiningi yong kamatayan nila…

Pero narealize ko, mga lalaki pala ay tao rin, karapatan nilang lumigaya at hanapin kung saan sila maligay, malas nga lang natin kung minsan dahil hindi sa piling natin sila maligaya, bakit nga ba kelangan maging maligaya sa pag-ibig, e sabi nila Love is a sacrifice, at usapang sakripisyo, masakit yon, eh bakit hinahanap natin yong kaligayan sa pag-ibig kung ang pag-ibig pala ay sakripisyo?

Sabi nila ang pag-ibig ay parang salamin na nagkabasag-basag, kaya marami itong mukha, at sa bawat mukhang iyan ay hindi ko maarok ipaliwanag ngunit ito’y nararamdaman lamang. Dami na ngang sumubok na bigyan ng magandang kahulugan niyan pero lahat ay sawi, minsan nga may mga taong nahuhumaling sa kahulugan kesa sa totoong diwa ng pag-ibig.

Pero ang hanap ng tao ay hindi basta pag-ibig lang, kundi yong pag-ibig na walang dahilan at kondisyon, whew mahirap siyang hanapin, parang paru-paru na mahirap huliin, pero sabi nila mahuhuli mo ang paru-paru kung hindi mo siya hahabulin, dahil matatakot daw ito, kundi umupo ka sa isang tabi at antayin ang paru-parung dadapo sa iyo. Ngunit pano kaya kung sa pagkaka-upo mo ay may mga langgam, tiniis mo mga kagat nila dahil parating na ang paru-paru, maluha-luha ka na sa sakit, anjan na ang paru-paru pero hindi ka nakatiis, ikaw ay tumayo at biglang nabulabog ang paru-paru at tuluyan ka ng nilisan ang paru-paru…Ironic di ba?

Buti na lang at hindi naging paru-paru ang pag-ibig, sinasabi lang nila iyon para bigyan ng dahilan ang mga nangyari sa kanila, at sa ganun paraan, maamo na nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ginawa nilang dahilan.

Balik tayo sa tunay na pag-ibig, bawat nilalang ay pangarap iyon, pano ito malalaman? Ewan ko, alam ng puso pero sinasalungat ng utak, kung minsan alam ng utak pero ayaw ng puso, wwwaaa magulo, ayoko na, pero gusto ko yong pagmamahal ng aso sa tao, maski anong gawin mo sa kanya, igapos sa labas ng bahay, wag pakainin, paluin at iba pa, pero pagdating mula sa trabaho, siya pa rin yong aso mong tatayo, gagalaw ang buntot at didilaan ka pa rin niya…

Sana ganun, pero hindi yong maltratuhin yong partner mo ha, kumpara ko lang, dahil sa loyalty nila, tao kasi, sinaktan mo, tendency, gaganti iyon.

Hay diko alam pano tapusin ito, gutom na ako, pero isa lang masasabi ko, kaya ko rin maging pet niyahaha, basta painumin mo lang ako ng tubig, ayos na sa akin iyon, wag lang siyang mawala sa akin, at kung gusto mo rin dilaan kita tuwing uuwi ka galing sa trabaho ay ayos din sa akin yon.



Tuesday, March 29, 2005

kainis ngayong araw na ito

bad hair day...oh yeah!? bukod sa umuulan na dito at manipis ang jacket ko, i bump in pa ng isang tao na hindi ko mawari, and sometimes there are things that you cannot explain, katulad ng nangyari sa akin kanina, nangyari ito, sa isang forum, kaka-register daw niya, at eto pa, naka-hide na nga status ko, at sa dina-dami ng forumer ako pa nakita niya, tsk, tsk, ang masama bastos...ggrgrgrgrgr sarap dukutin ang ngala-ngala niya wahehehe....nyways, as of now, i feel better na....get rid of him...sana nga totally.....

Monday, March 28, 2005

re-hire?

hindi ko alam kung pano ko start...kasi kung umpisahan ko pinaka-umpisa, aba mapupuno ang blog ko, ito na lang, yong related na lang sa last topic ko, hhhmmm naka-condition na yong mind ko, not to talk to him as before, kasi inis talaga ako sa kanya, the fact na ayoko mga pinag-gagawa niya at pasaway na siya, at yong isa akin na lang iyon...wahehehe

usap kami kanina, mahal pa nga tawagan namin ni bestfriend eh, o di ba sweet? parang mahal at mura wahehehe sabi niya, break na daw sila ng gf niya yong taga-dito siguro yong teen ito (buti naman) tapos habang nagdadate daw sila ng teen na ito, eh may nakakita raw sa kanila tapos sumbong naman daw sa gf niya sa la union...hay ngayon sabihin nyo kung wala me karapatan mainis sa kanya? di ba sarap niyang hagupitin ng latigo? ggrrrr but despite of that, i know naman na may puso siyang natatangi at hindi ko masabi kung ano man nasa loob yon..

kanina gusto ko sabihin na naiinis ako sa kanya kaso, naunahan ako ng drama ng mokong na iyon, at napagdiskitahan ko ang isa kong friend, buti na lang mabait yon at hindi ako pinatulan...tsaka on the other hand hindi pala ako, pwedeng magresign kasi lapit na labas ng result ng bar exam, malay mo pasado bilang abogado, e di nadagdagan mga lawyer friend ko, tapos makakasingil na ako ng mga utang niya, tapos libre pa atty's fee ko na, hindi ba? so i guess pagtiyagaan ko na siya, basta wag niya ako yayain na yakapin at halikan siya...wahehehehe...dahil hindi ko ma-take, pero pwede siguro kung bagong ligo at bagong shave siya wahehehe...

Sunday, March 27, 2005

buti na lang

have you experience yong feeling na gusto nyong mag-resign as a friend...wahehehe gusto ko ngayon ng ganyan kaso diko xa madispatsa...ewan ko ba siguro kasi mas kelangan ko siya kesa sa kelangan niya ako...tingin ko kasi sa kanya hindi na anghel kundi kambing, nyways pag-nagkita kami sasabunutan ko na lang siya para maramdaman niya na asar na asar na ako sa kanya, i just wish na hindi ako mabighani sa kanyang smile...waheheeh....kelan ba ako nabighani???? one million dollar question....

Tuesday, March 22, 2005

wala magawa

I watch over you
Day and night
Night and day
You didn't see me
But I see you
Your smile give radiance
To a gloomy night

I've witnessed how you fall in love
You we're so happy
That you forget me
Your smile is indispensible
Not even I can't erase

I wonder, what is felt to be in love
I wonder what is like to be loved
I wonder if you get tired, smiling

I covered my confusion thru my wings
And seated just here and waited
Waited for you to call me
But, Alas, I just waited in vain
Because it seems that, we were a zillion far apart]

Then came the day
The one that you most love left you
YOur eyes are wet
Your lips tremble as you utter HIS mighiest name

Then I see the radiance in your heart
The radiance that i longed to see
Now I am thinking
If I should give you pain?
For you to know Him forever....

March 22, 2005 6:59 PM